Kamakailan lang, umabot sa ₱59 kada $1 ang palitan ng USD to PHP — isa sa pinakamataas na rate nitong mga nakaraang taon. Dahil dito, marami sa ating mga ReShort users ang gustong mag-withdraw ngayon dahil mas malaki ang halaga ng piso.
Gayunpaman, may ilan din na nagtatanong kung bakit hindi tugma ang conversion rate ng ReShort sa nakikita nilang actual exchange rate sa Google.
Sa blog post na ito, ipapaliwanag natin kung paano gumagana ang conversion rate ng ReShort.
Ang ReShort ay binabayaran ng mga advertisers (gaya ng Google AdSense, PopAds, at iba pa) sa US Dollars (USD).
Pagkatapos, si ReShort naman ang nagbabayad sa mga ReShort users sa Philippine Peso (PHP) o USD, depende sa withdrawal method na gamit nila.
Depende kung saan galing ang bayad ng advertisers:
Kung diretso sa bangko ipinadala ang bayad, minsan ay automatic nang nacoconvert sa PHP.
Kung sa PayPal dumaan ang bayad, natatanggap ito ng ReShort admin na naka-USD pa.
Sa madaling salita, si ReShort admin ang nagko-convert ng USD papuntang PHP bago ipadala sa mga users.
PayPal Withdrawals → Ipinapadala sa USD (walang conversion na nangyayari sa ReShort side).
GCash, PayMaya, PalawanPay, etc. → Kinoconvert muna ng ReShort admin ang USD sa PHP, saka ipinapadala sa inyong e-wallet o remittance service.
Tandaan din na bawat transfer ay may transaction fee, maliban sa GCash kung saan mas nakakatipid ang ReShort dahil dito nagwi-withdraw ng maramihan.
Ang ReShort conversion rate ay fixed base sa huling aktwal na conversion rate na nakuha namin mula sa aming mga advertisers.
Ibig sabihin, hindi ito real-time na sumusunod sa exchange rate sa Google o sa bangko.
Minsan, ang rate ng ReShort ay mas mababa o hindi eksaktong kapareho ng nakikita mong kasalukuyang USD to PHP rate dahil ito ay naka-base sa huling naconvert na pondo ni ReShort. At halos lahat ng mga money exchange rate sa pilipinas ay mas mababa sa actual na rate sa google.
Katulad nalang ng Paypal na nasa screenshot:

Makikita natin na malaki ang pagkakaiba at umaabot sa 2 pesos ang pagkakaiba. at madalas sa paypal tayo binabayaran ng advertiser kaya dito din tayo nag babase ng rate.
Ang conversion rate ng ReShort ay hindi arbitrary — ito ay nakadepende sa aktwal na conversion ng natanggap naming funds mula sa advertisers.
Layunin naming maging transparent sa users tungkol sa proseso, kaya sana ay nakatulong ang paliwanag na ito para mas maintindihan kung paano namin kinukwenta ang inyong earnings.
Nawa nakatulong ang blog post na ito para malinawan ang lahat. Kung may katanungan ay mag message lang sa ating Facebook page.